3 CPP-NPA PATAY SA SAGUPAAN SA MISAMIS ORIENTAL

TATLONG sinasabing mga miyembro ng communist terrorist group ang napatay ng militar sa sagupaan sa Claveria, Misamis Oriental, nitong Linggo, ayon sa ulat ng 4th Infantry Division ng Philippine Army.

Sa report ng Army 402nd Brigade, habang nagsasagawa ng combat patrol operation ang kanilang mga tauhan sa Sitio Solana, Barangay Plaridel, Claveria, nang masabat nila ang isang pulutong ng communist New People’s Army.

Agad itong nauwi sa palitan ng putok na ikinamatay ng tatlong NPA na kabilang sa Weakened Guerilla Front (WGF) Huawei, Sub-Regional Command (SRC)1, North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).

Narekober sa encounter site ang tatlong high powered firearms na kinabibilangan ng isang M16 armalite rifles na may magazine at may mga bala, isang carbine rifle na may magazine at may mga bala, at KG9 machine pistol, at mga subersibong dokumento. (JESSE KABEL)

178

Related posts

Leave a Comment