MISTULANG ‘Abel at Cain’ ng kontrobersyal na biblical parricide case ang nangyari nang patayin ng isang lalaki ang kanyang kuya sa bayan ng Anilao, sa lalawigan ng Iloilo, ayon sa ulat ng pulisya.
Ayon sa Anilao Municipal Police Station, agad namatay ang isang lalaki matapos tagain sa leeg ng kanyang nakababatang kapatid Para sa kapakanan ng pamilya, hindi na inilantad ng pangalan ng 41-anyos na lalaking umano’y pinatay ng kanyang nakababatang kapatid.
Nabatid sa imbestigasyon, nag-iinuman sa tindahan ang suspek at ang isang ang kaibigan nito nang biglang dumating ang biktima na noo’y lasing.
Sinasabing nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa away at pinagbantaan umano ng biktima ang nakababatang kapatid Dahil dito, naunang umuwi ang suspek para kumuha ng itak at inabangan ang kanyang kuya at saka pinagtataga, ayon sa pulisya.
Nagawa pang itakbo sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Napag-alamang may dati nang alitan ang magkapatid. Minartilyo umano ng biktima ang suspek sa mukha habang natutulog ito.
Hawak na ng pulisya ang suspek matapos na agad ding sumuko. Inaalam pa ang desisyon ng pamilya kung maghahain sila ng kaso laban sa nakapatay ng kapatid. (JESSE KABEL)
185 