CHINA KINASTIGO SA KAMARA

KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang China matapos malagay sa panganib ang puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nagpapatrulya sa Bajo de Masinloc.

Hindi nagustuhan ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate ang ginawang “dangerous maneuvering” ng barko ng China at nailagay sa panganib ang BRP Malabrigo ng PCG.

Nangyari umano ang insidente noong Marso 2, habang nagpapatrulya ang PCG sa West Philippine Sea (WPS) partikular na sa Bajo de Masinloc na kilala rin sa pangalang Scarborough Shoal, noong Marso 2.

Ayon kay Zarate, walang dapat sisihin sa nasabing insidente kundi si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi nito ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas laban sa China.

“China is emboldened because of the Janus-faced foreign policy of the Duterte administration, which dangerously playing footsies with two competing imperialist powers,” dagdag pa ng mambabatas.

Ginawa ni Zarate ang pahayag dahil habang hayagan ang pagkampi ni Duterte sa China ay pinapayagan din nito na magpatuloy ang joint military exercises ng Pilipinas at Amerika.

Nangangamba ang mambabatas na kapag hindi maipaglaban ng susunod na pangulo ang soberanya ng Pilipinas at hindi kilalanin ang napanalunang kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ay lalong manganganib na maagaw nang tuluyan ng China ang WPS. (BERNARD TAGUINOD)

121

Related posts

Leave a Comment