Minors ginagamit sa concert rally – Gadon CLASS SUIT IKAKASA VS LENI

GALIT ang maraming mga magulang na pawang kasapi ng iba’t ibang Parent-Teacher Association (PTA) mula sa iba’t ibang eskwelahan sa bansa dahil umano sa pamimilit ng kampo ni VP Leni Robredo na sumama ang kanilang mga menor de edad na anak sa mga concert rally nito.

Ayon kay UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon, marami nang magulang ang lumalapit sa kanya para isumbong ang ginawang paggamit sa kanilang mga anak ng kampo ni Robredo para lamang isama ang mga ito sa kanilang rally na ang front ay isang ‘musical event.’

Ang modus operandi umano ng mga supporter ni Leni ay kakausapin ang mga administrator ng paaralan kung saan sila magsasagawa ng concert rally at kukumbinsihin na obligahin na dumalo ang kanilang mga estudyante kapalit ng mas mataas na grado.

Para naman maobligang dumalo ang mga estudyante ay tatakutin sila na babawasan ang kanilang grades kaya napipilitan na lang ang mga magulang na payagang sumama ang mga menor de edad nilang anak.

“Lagot ka ngayon Lugaw Robredo. Marami nang Parent-Teacher Association ang naghahandang magsampa ng kaso sa iyo. Hindi basta kaso dahil isa itong class suit. Pati mga batang menor de edad ginagamit mo para lang palabasing marami ang pumupunta sa rally mo na sa totoo lang ay mga musical concert,” kantyaw ni Gadon.

Sinabi ni Gadon na paglabag sa Section 10a ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law at Article 137-138 ng Labor Code of the Philippines as amended ang kakaharaping kaso ni Robredo, gayundin ang kanyang mga organizer at may-ari ng ibang eskwelahan.

Base sa probisyon ng labor law, ipinagbabawal sa sinoman ang pag-arkila sa serbisyo ng mga kabataan na may edad 15 hanggang 18 kung walang parent counseling at dapat may parental consent naman kung ang biktimang bata ay 15-anyos pababa.

Ang sino man na mapatunayang lumabag sa nasabing batas ay nahaharap sa parusang pagkakakulong ng prision mayor o katumbas ng mula sa anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.

Ayon sa abogado, ang mga menor de edad na kabataan ay hindi dapat umalis sa bahay nang walang pahintulot ng magulang. Hindi rin sila dapat obligahin ng mga guro at may-ari ng eskuwelahan na pumunta sa isang political rally dahil labag ito sa batas.

Isang malaking paglabag aniya sa mga kabataan ang isabak sila sa pulitika lalo’t wala pa ito sa kanilang kamalayan.

“Kapag na-hamper mo ang development ng bata, violation iyon ng RA 7610. Alam mo dapat iyan dahil sabi mo abogado ka, Robredo,” sabi pa ni Gadon.

“Alam mo namang may Covid pa, pati bata kinakalantare mo para lang magmukhang marami ang rally mo. Uulitin ko, bakit hindi mo gawin sa motorcade iyan? Kasi lalangawin kayo na parang basura sa kalsada,” dagdag pa nito.

Malaking panganib din aniya para sa mga bata ang isabak sila sila sa mga political event, lalo’t kinumpirma ng Pangulong Duterte na may alyansa si Robredo sa teroristang NPA.

Sinabi ni Gadon na nakahanda rin siyang maging abogado ng mga magulang para isampa agad ang class suit laban kay Robredo na hayagan nang ginagamit ang mga menor de edad sa kanyang pangangampanya. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

325

Related posts

Leave a Comment