PULISYA NGANGA SA KASO NI FATHER PEREGRINO

CAVITE – ‘Nganga’ ang Rosario Police Station sa imbestigasyon sa kaso ng ‘pagkawala’ ni Rev. Fr. Leoben Peregrino y Octavo, parish priest ng Most Holy Rosary Parish Church sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, dahil hindi ito makapagbigay ng impormasyon at tumanggi naman ang pamilya na magbigay ng ano mang pahayag.

Sinabi ni P/Lt. Col. Ruther Saquilayan, hepe ng Rosario Police Station, walang makukuhang impormasyon ang pulisya sa pamilya ni Rev. Fr. Peregrino o mas kilala sa tawag na “Father Phem” hanggang walang advice ang kanyang doctor na maaari na itong kausapin, at hanggang walang pahintulot mula sa pamunuan ng Simbahang Katoliko sa Cathedral ng Imus.

Sinabi ni Saquilayan, hindi pa rin nakakausap si Father Phem na kasalukuyang nasa ospital, dahil sa dinanas na trauma at kailangan ng pahintulot ng doktor nito. (SIGFRED ADSUARA)

516

Related posts

Leave a Comment