MAG-INA PINAGTATAGA, AMOK LAGLAG SA PNP-PRO5

HAWAK na ng PNP-Police Regional Office 5 ang magsasakang sumaksak at nanaga sa mag-ina sa San Pascual, Masbate makaraang mahuli ng mga tauhan ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo.

Ayon kay P/Major Malou Calubaquib, sa utos ni General Estomo, agad nadakip ng mga operatiba mula sa San Pascual MPS ang naghuramentadong si Felipe Rosaciña y Cuyos, 58-anyos na magsasaka ng Brgy. Ki-Romero, San Pascual, Masbate.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis kasunod ng ulat na kanilang natanggap hinggil sa pananaga at pananaksak sa mag-inang sina Praxedio Rosales y Olinares, 25, at Praxedes Rosales y Olinares, 65, na kapwa grabeng nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa Report ng Masbate Police Provincial Office, nakaupo sa balkonahe ang mag-ina nang biglang sumulpot ang suspek at pinagsasaksak at pinagtataga ang dalawang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek ngunit nadakip sa isinagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ni Gen. Estomo sa tulong ng barangay officials sa Sitio Suba, Brgy. Ki-Romero, San Pascual, Masbate.

“Our personnel will always do its best to ensure the safety of victims and suspects alike in critical situations like this incident”, ani Gen. Estomo. (JESSE KABEL)

216

Related posts

Leave a Comment