5 DAULAH ISLAMIYAH MEMBERS SUMUKO

LIMANG kasapi ng teroristang grupong Daulah Islamiyah ang kusang-loob na sumuko sa Philippine National Police (PNP) sa Brgy. Pag-Asa, Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon sa ulat na natanggap ng PNP General Headquarters sa Camp Crame, Quezon City, kabilang ang mga sumuko sa Alvarez group o mas kilala sa tawag na “Seven Dwarf Group” na dating pinamunuan ni Al Rashid Alvarez alyas “Al” na napatay kasama ang kanyang dalawang tauhan sa nangyaring engkwentro noong Disyembre 2015.

Kasamang isinuko ng mga dating terorista ang isang caliber .45 pistol, isang magazine na may isang live ammunition, at itinurn-over sa Bongao Municipal Police Station para safekeeping and proper disposition.

Pinuri naman ni P/BGen. Arthur R. Cabalona, Regional Director, PRO-BAR, ang lahat ng law enforcement units na nagtulong-tulong para maging matagumpay ang pagsuko ng mga ito.

Sinabi ni Cabalona, tuloy-tuloy ang kanilang tactical operations at intelligence monitoring para mabuwag ang armed groups sa kanilang area of responsibility upang matiyak na magiging malinis, mapayapa at maayos ang gaganaping eleksyon sa kanilang nasasakupan. (JESSE KABEL)

168

Related posts

Leave a Comment