MAYOR CHOLO VIOLAGO AT SEN. CHIZ ESCUDERO, SUPORTADO NG MGA SABUNGERO AT TALPAKERO

ALAM n’yo ba, mga ka-sabong, na lalong lumalakas ang suporta kay mayoralty candidate Mark Cholo Violago ng San Rafael, Bulacan?

Ito’y makaraang i-endorso ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Guevarra Escudero ang kandidatura ni Violago.

“Bilang mga Pilipino, bilang mga Bulakeño, bilang mga anak ng nag-iisang Diyos, babae man o lalake, ano man ang kasarian ano man ang relihiyon, nakapag-aral o hindi, mayaman man o mahirap, hindi dahilan ‘yan para mag-away, magkawatak-watak at magkagulu-gulo tayo bilang mga Pilipino, bilang isang bansa at bilang isang lahi rin,” wika ni Escudero nang dumalaw ito sa San Rafael kung saan inendorso rin nito ang buong Team1SanRafael.

Nagpapasalamat si Violago sa endorsement na ito ni Escudero.

Tiniyak naman ni Violago ang solidong suporta ng buong bayan nila sa kandidatura ng gobernador ng Sorsogon na tumatakbo muli sa pagka-senador.

“Isa si Senator Chiz Escudero sa may mga mabuting hangarin sa ating bayan, maging sa buong Pilipinas. Hindi matatawaran ang kanyang mga nagawa at patuloy na ginagawa para sa ating bansa, kaisa ng Team1SanRafael, buong-buo ang aming suporta para kay Senator Chiz…” sabi naman ni Violago.

Lubos din ang kanyang pasasalamat sa mga kapitan ng barangay ng lalawigan ng Bulacan, mga datihang kapitan at maging sa Association of Barangay Captains (ABC) ng Bulacan sa pagdalo at pakikiisa sa kanilang mabuting mithiin.

“Palaging tandaan na kailangan may direksyon at solusyon para pagtagumpayan ang lahat ng suliranin ng ating bansa. Muli po para sigurado, Chiz Escudero sa Senado. Siguradong direksyon, siguradong solusyon,” dagdag pa ng alkalde.

Nakiisa naman si Violago sa paggunita ng buong bayan sa ika-80 na “Araw ng Kagitingan”.

Mahalaga aniyang alalahahin at igalang ang mga sakripisyo ng ating mga beteranong mandirigma.

Tunay aniya na ang “kagitingan ng mga bete­rano ay inspirasyon ng nagkakaisang Pilipino.”

Nawa’y patuloy itong maging impluwensiya ng pagkakaisa at pagmamahal sa ating bansa.

Habang papalapit ang halalan, lalong lumalakas ang kandidatura ni Violago na talaga namang suportado rin ng mga sabungeros at talpakeros.

“Ito na ang simula, simula ng mga bagay na kayang-kaya magawa basta’t tayo ay ­nagtutulungan at nagkakaisa. Patuloy nating pagyabungin at pagandahin ang San Rafael. Muli, maraming salamat, nawa’y patuloy ninyo kaming suportahan dahil lahat ng ito ay inaalay namin para sa ating mahal na bayan,” dagdag pa ni Violago.

Good luck at bless, mga bossing.

Mabuhay kayo sir at ang buong Team1San­Rafael!

322

Related posts

Leave a Comment