ALEX EALA, KAMPEON SA W25 THAILAND

NASUNGKIT ni Pilipina tennis ace Alex Eala ang kampeonato sa W25 ­Chiang Rai tournament sa Thailand.

Winalis ni Eala si home bet Luksika Lumkhum, 6-4, 6-2, sa final round Linggo sa Chiang Rai Sports Center.

Ito ang ikalawang ITF Tour professional title at una ngayong taon, ng 16-year-old netter na ­nagreyna sa women’s singles ng W25 Thailand matapos ang isang oras at 22 minutong paluan.

Walang tulak-kabigin sa dalawang manlalaro sa opening set kung saan nagtabla ang iskor sa 4-all, hanggang rumagasa sa dalawang huling sets si Eala.

Sa ikalawang set ay hindi na nagpabaya ang Rafa Nadal Academy scholar at agad tinambakan ang mas beteranong Thai netter, 4-1, na bigong mahabol pa ang Pinay.

Unang nasungkit ng Women’s Tennis Association ranked 533 na si Eala ang ITF Tour title sa 2021 W15 Manacor sa Spain.

Inaasahang hahampas siya sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.

107

Related posts

Leave a Comment