MOST WANTED RAPE SUSPECT NADAKIP NG PNP-CIDG

ISANG rape suspect at itinuturing na kabilang sa citywide most wanted personality, ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa inilunsad na law enforcement operation sa Pasay City.

Sa isinumiteng ulat ni PNP-CIDG National Capital Region Field Unit Director Col. Randy Glenn G. Silvio kay CIDG Director Police Major General Eliseo DC Cruz, nadakip sa kanilang CIDG Flagship Project: Oplan Pagtugis at Oplan Salikop ang rape suspect na si Renato Sudario Jr. y Loyola (MWP top 9 city level ng Pasay City), 48-anyos, residente ng Brgy. 66, Pasay City.

Ayon sa accomplishment report ng Regional chief, RFU NCR, walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kaso ni Sudario na natunton sa pinagtataguan nito sa Balagtas St., Brgy. 14, Zone 2, Pasay City kamakalawa ng hapon.

Nabatid na bago ang ikinasang law enforcement operation ay nagsagawa muna ng surveillance and intelligence operations ang mga tauhan ni Col Silvio.

Nang magpositibo sa kanilang target ay sumalakay ang mga tauhan ng CIDG Eastern MMDFU (lead unit) kasama ang mga operatiba ng Warrant Section ng Pasay City Police Office na armado ng warrant of arrest sa kasong rape through sexual assault, na inisyu ni Judge Albert T. Cansino ng National Capital Judicial Region, RTC, Branch 108, Pasay City noong Marso 18, 2022.

Sinasabing kasapi rin ang suspek ng lewd carnal crime group na nasa ilalim ng IR file No. NCRCIDU EMM-22-2-25-A. (JESSE KABEL)

262

Related posts

Leave a Comment