WALANG plano ang Jesus Is Lord (JIL) Church at Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) party-list na mag-endorso ng kandidato mula sa apat na presidential bets para sa 2022 elections, bagama’t isang linggo na lamang ay eleksyon na.
Ito ang naging pahayag ni CIBAC Party-List Representative at House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, President-Founder ng JIL, sa isang pagtitipon na dinaluhan ng libu-libong party leaders sa JIL College Foundation sa Bocaue, Bulacan nitong Sabado.
Ayon kay Rep. Villanueva, napagkasunduan ng Council of Leaders ng JIL na wala silang ie-endorso publicly dahil ang lahat ay kakilala at kaibigan nila.
“In one way or another nagkaroon kami ng encounter with them, all of them at ang iba ay nagpunta sa bahay namin. Kung ako ay mag-e-endorso ng isa sa kanila ay sasama ang loob ng tatlo at baka ma-damage pa ang re-election ng anak kong si Senator Joel Villanueva,” ayon kay Rep. Bro. Villanueva.
Tuloy ang laban kontra korapsyon
Sa nasabing pagtitipon din ay ibinahagi ng CIBAC ang kanilang masidhing kampanya para manalo sa halalan ngayong Mayo at binibigyang-diin ang mahalagang papel ng isang anti-corruption watchdog sa Kongreso.
Ayon kay Bro. Eddie, bagamat unti-unti nang nakakabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic ay lugmok pa rin ang bansa sa maraming complicated problems.
“The economy is already opening and our country is on its way to recovery. However, the gains we expect from our efforts will only be stunted, if not negated, by the worsening stage of corruption in the government,” ayon kay Villanueva.
Kailangan aniyang ipagpatuloy at palakasin pa ng CIBAC ang kanilang anti-corruption advocacy dahil ito ay mahalagang bahagi ng kanilang road map to restoration.
Sa pagtaya ng Office of the Ombudsman, umaabot sa P700 billion ng national government’s budget taon-taon ang nawawala dahil sa korapsyon.
“Corruption will derail our efforts to recover from the scars of the pandemic. It will continue to siphon government resources away from needed programs and projects that will lift up Filipinos away from grinding poverty. We will not allow the corrupt and scrupulous elements in the government to sabotage the recovery of the Filipino people badly hit by the pandemic,” wika ni Villanueva. (ELOISA SILVERIO)
373