RIDER PATAY SA MARKED VEHICLE

CAVITE – Patay isang rider nang banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang marked vehicle na minamaneho ng isang jail guard sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga.

Isinugod sa Tanza Family Hospital ang biktimang si Mark Ferdinand Coluna y Mondreal, 26, binata, ng Naic, Cavite subalit hindi umabot nang buhay.

Kinilala naman ang driver ng marked vehicle na si Melchor Das Ilen y Gregorio, 42, may asawa, jail guard sa Naic BJMP sa Brgy. Mabolo, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Antero Soriano Highway ng naturang bayan nang banggain ang likurang bahagi ng kanyang motorsiklo ng minamanehong marked vehicle ni Ilen dakong alas-5:46 kahapon ng umaga.   

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, hindi na umabot nang buhay ang biktima sa ospital. (SIGFRED ADSUARA)

128

Related posts

Leave a Comment