WARRIORS NAMUMURO

PALAPIT na ang Golden State sa finale.

Umiskor si Stephen Curry ng 31 points, habang may ambag si Andrew Wiggins na 27 points kasama ang isang posterized dunk kay Luka Doncic at akayin ang Warriors sa 109-100 win kontra Dallas Mavericks, para sa 3-0 lead sa Western Conference finals, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa American Airlines Center sa Dallas.

Nagdagdag naman si Klay Thompson ng 19, dalawang 3-pointers sa fourth quarter at isang panalo pa, balik-NBA Finals ang Warriors, tatlong taon matapos ang kanilang limang sunod na finals appearance, tatlo rito ang kampeonato.

Ang Golden State, winalis ang Portland sa pinakahuling West finals (2019) nito bago naibulsa ng Toronto Raptors ang titulo, ay tatangkaing walisin ang serye sa Game 4 sa Martes (Miyerkules sa Manila) sa Dallas pa rin. Wala pang koponan ang nakabalikwas mula 3-0 deficit at nanalo ng NBA playoff series.

Nagtala naman si Doncic ng 40 points, kasama ang 32-footer first-quarter buzzer-beater, dahilan para sumigla ang crowd ng Mavericks habang naghahabol sa 2-0, gaya ng ginawa laban sa top-seeded Phoenix bago dinispatsa ang Suns sa seventh game ng West semis.

Pero, hindi sapat ang ginawa ni Doncic, dahil sablay ulit ang kanilang attempts sa 3-point range. Mintis ang unang pito at matapos ang laro, 13-of-45.

Sina Reggie Bullock at Maxi Kleber, pawang long-range specialists ng Dallas, ay may pinagsamang 12 sablay sa tres at 0-15 overall. Pareho ring bokya ang dalawa, habang si Spencer Dinwiddie may output 26 points off the bench at 20 points mula kay Jalen Brunson.

Ang dunk ni Wiggins kay Doncic sa kalagitnaan ng fourth quarter ay una munang tinawagan ng offensive foul. Kinuwestyon ito ng Warriors at ang resulta, incidental contact ang pagkakasiko ni Wiggins kay Doncic, at ipinagkaloob sa Golden State ang 93-83 lead.

Kasunod nito, si Wiggins, may 11 rebounds din, ay humahangos pababa sa right baseline para sa follow up dunk nang mula sa mintis ni Curry, tungo sa pag-extend ng NBA record ng Warriors na 26th consecutive series, kabilang ang one road game.

Isa sa 3-pointers ni Dinwiddie ang nagdikit sa Dalas sa five points, 1:15 nalalabi, ngunit, sinagot naman ito ni Jordan Poole mula sa left wing sa final minute.

Bukod sa 31 points, may 11 assists at five rebounds din si Curry, habang may 11 rebounds naman si Wiggins.

Tig-10 points sina Draymond Green at Poole.

“That was just a great team win,” lahad ni Curry. “When you’re up 2-0 and you win on the road, it gives you a stranglehold and control of the series. That’s huge.

Dagdag niya: “We obviously know that the job’s not done, but it’s a good feeling to know that we can play with house money on Tuesday (in game four) and try and get the job done.”

Hindi pa sumusuko si Doncic at naniniwalang kaya nilang bumalik.

“It’s not over yet, but it’s not going to be easy,” pag-amin ni Doncic. “The Warriors are not going to give you anything easy. “Nobody had us being here in these Conference Finals. But I think the Warriors are playing ­incredible. Everybody knows their role.

“Everybody just stays ­together. They’ve been together for a long time, and I think they’re playing good basketball, so that’s what I think is going to be really difficult,” wika pa niya.

236

Related posts

Leave a Comment