P55-M SHABU KUMPISKADO SA KANKALOO

ARESTADO ang isang lalaki nang makumpiskahan ng P55 milyong halaga ng umano’y shabu sa Caloocan City nitong Lunes ng madaling-araw.

Ibinalibag sa selda ang suspek na si Tantawi Naga Sali, alyas “Tangie”, 35, ng Barangay 188, Caloocan City.

Nadakip ang suspek dakong alas-3:50 ng madaling araw nitong Mayo 23 sa Phase 12, Riverside, Barangay 188, Tala matapos paiskorin ng shabu ang isang undercover cop.

Umabot sa 8.1 kilo ang nakumpiskang hinihinalang shabu na may halagang P55,080,000 kaya’t idiniretso sa presinto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

166

Related posts

Leave a Comment