HEALING BEGINS

DPA Ni BERNARD TAGUINOD

TINANGGAP na nina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ang resulta ng halalan noong Mayo 9 na malinaw na pinanalunan nina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at presumptive Vice President Sara Duterte.

Mismong ang mga ­abogado nina Robredo at Moreno ang nagpatunay sa integridad ng katatapos na halalan kaya hindi na sila nag-object na i-canvass ang lahat ng certificate of canvass.

Sina Robredo at Moreno ang ikalawa at ikaapat sa 10 presidential candidates na nakakuha ng maraming boto sa katatapos na halalan bagama’t malayong-malayo ang lamang ni BBM sa kanila.

Hindi na rin nagpadala ng kanilang mga abogado ang iba pang presidential candidate para bantayan ang pag-canvass ng mga senador at congressman na isang indikasyon na maging sila ay tanggap na nila ang resulta ng halalan.

Nangangahulugan na nagsimula nang humilom ang sugat na idinulot ng kampanya at nagkakaisa na ang lahat na siyang pangarap at sentro ng kampanya ni BBM… ang unity.

Sana sumunod na rin ang lahat ng supporters ng mga natalong kandidato at tanggapin ang katotohanan. Kung sumuko na ang kanilang kandidato, walang dahilan para hindi na rin sila makiisa para sa bayan.

Marami pa kasi sa mga supporter ng ibang kandidato na hindi matanggap na natalo ang kanilang manok kahit sumuko na sa laban ang kanilang panabong at panay pa rin ang parinig sa social media.

Ang daming problema na mamanahin ni BBM at kailangan ang pagkakaisa para maresolba ang mga problemang ito na hindi na natin kailangang isa-isahin dahil tiyak na alam niyo lahat ang mga iyan.

Walang mangyayari sa ating bayan kung patuloy na magkakawatak-watak ang sambayanang Pilipino. Iisa lang ang ating bayan na dapat nating mahalin at suportahan ang mga pinuno natin na pinili ng mayorya sa atin.

Igalang na lang natin lahat ang desisyon ng ­sambayanang Pilipino at kung maaari ay tumulong na lang lahat para sa ikabubuti ng ating bansa at magkaroon naman ng pag-asa ang mga susunod na henerasyon.

Siguro naman alam niyo ang kuwento ng walis tingting. Hindi ba kaya maraming tingting sa isang walis ay para mawalis ang mga kalat? Kung iilang tingting lang ‘yan, hindi iyan makakawalis.

So kailangan natin ­ma­ging tingting. Mas maraming tingting, mas maraming mawawalis na problema pero kung hindi makiisa ang lahat, papaano mawawalis ang mga problema?

Walang mangyayari sa atin kung hindi kayo makipagtulungan sa gobyerno. Hindi kaya ng kahit sinumang mamumuno sa ating bansa ang mga problema kung hindi natin siya tutulungan.

165

Related posts

Leave a Comment