LIBRENG SAKAY SA MRT-3 EXTENDED HANGGANG HUNYO 30

PINALAWIG ang “Libreng Sakay” program hanggang Hunyo 30, 2022 sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga pasahero nito.

Inilunsad noong Marso 28, 2022 ang “Libreng Sakay” o Free Ride program na ang orihinal ay natapos noong Abril 30, 2022, subalit pinalawig ito ng isang buwan hanggang May 30, 2022.

Dahil sa positibong tugon mula sa mga mananakay na nakikinabang ng nasabing programa at bilang patuloy na pagseserbisyo sa mas nakararaming pasahero na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, ang MRT-3 at Department of Transportation (DOTr) ay nagdesisyon na palawigin ang Free Ride program hanggang katapusan ng Hunyo.

Ang Free Ride program ay mananatiling magagamit ng lahat ng mga pasahero na sasakay ng MRT-3 ano mang oras sa rail line operating hours mula alas-4:40 ng umaga hanggang alas-10:10 ng gabi.

“Malaking kapakinabangan ‘yung Libreng Sakay para sa ating mga kababayan. ‘Yung malaking natitipid nila sa pamasahe at ‘yung comfort and convenience ng paggamit ng isinaayos na MRT-3, gusto natin magtuluy-tuloy ‘yan. Kaya naman, napagdesisyunan po natin na i-extend ang Libreng Sakay ng isa pang buwan para na rin mas marami pang pasahero ang makinabang at matulungan ng programa,” ani DOTr Secretary Art Tugade. (JOEL O. AMONGO)

153

Related posts

Leave a Comment