MATATANGGAP na ng pamilya ng Healthcare Workers (HCWs) na namatay sa COVID-19 ang isang milyong pisong benepisyo.
Ito ang inaasahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos i-release ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1 billion na pondo para sa benepisyo ng medical frontliners.
“We hope that this timely release of benefits for healthcare workers (HCWs) and non-healthcare workers who deserve to receive COVID-19-related benefits will prevent the recurrence of last year’s incident in which many had complained about not getting their allowances and benefits amid the pandemic,” ani Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.
Base sa Republic Act (RA) 11712 o Public Health Emergency Benefits and Allowances for Healthcare Workers Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 27, mabibigyan ng monetary compensation ang pamilya ng mga namatay na HCWs sa COVID-19.
Bukod dito, makatatanggap na rin ng P15,000 na financial benefit ang HCWs na nagkaroon ng mild at moderate symptoms ng COVID-19 habang P100,000 naman sa nakaranas ng severe at critical coronavirus disease.
Hindi lamang ang HCWs sa government hospitals ang makikinabang sa nasabing batas kundi maging ang mga nagtatrabaho sa mga pribadong pagamutan sa bansa.
Meron na aniyang pondo para sa allowance ng HCWs na patuloy na nagsisilbi sa mga biktima ng COVID-19.
“Workers deployed in ‘low-risk areas’ shall receive at least P3,000; those in ‘medium-risk areas’ shall be given around P6,000 while individuals assigned in ‘high-risk areas’ shall be granted at least P9,000,” paliwanag ni Villafuerte. (BERNARD TAGUINOD)
144 