INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang Reyna ng pelikulang Pilipino na si Susan Roces, kilala rin bilang Lola Flora sa seryeng Ang Probinsyano.
Pasado alas-11:00 ng umaga kahapon nang dumating sa Manila North Cemetery (MNC) ang funeral convoy ni Roces mula sa The Heritage Park sa Taguig City.
Inihimlay siya sa tabi ng mister na si Fernando Poe Jr. na tinagurian namang “Hari” ng pelikulang Pilipino.
Ayon sa Manila Police District (MPD), nasa 290 pulis ang itinalaga na maybigay ng seguridad sa MNC. Naging maayos at mabilis naman ang paglilibing, ayon kay P/Major Philipp Ines, hepe ng MPD-PIO. (RENE CRISOSTOMO)
224
