Nakalimutang ilabas ng kapatid 2-ANYOS NATUSTA SA SUNOG

CAVITE – Natusta ang isang 2-anyos na lalaking paslit nang makalimutan siyang ilabas ng kanyang kapatid mula sa nasusunog nilang bahay dahil sa pagkataranta sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si John Lloyd Gonzales ng Brgy. Sabang, Dasmariñas City.

Ayon sa salaysay ni Hannah Mae Ponce, 18, kay P/SSgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police, natutulog sila ng kanyang dalawang nakababatang kapatid sa kanilang barong-barong sa tabi ng Presaris High School sa Brgy. Sabang, Dasmariñas City nang magising siya na nasusunog ang likurang bahagi ng kanilang bahay dakong alas-4:00 ng hapon.

Agad na binuhat ni Hanah ang kanyang 3-anyos na kapatid na lalaki at mabilis na lumabas subalit huli na nang napagtanto niyang naiwan niya sa loob ang biktima.

Ayon kay FO3 Joevic Manalo, Officer in Charge, dakong alas-4:20 ng hapon nang ideklarang fire-out ang sunog habang inaalam pa kung ano ang sanhi ng insidente. (SIGFRED  ADSUARA)

180

Related posts

Leave a Comment