Apela sa mga tsuper, operator HUWAG MAGTIGIL-PASADA

SA gitna ng nagpapatuloy na pagsirit ng presyo ng langis, umapela ang Malakanyang sa public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na huwag nang ituloy ang kanilang plano na tigil-pasada o suspendihin ang nationwide jeepney operations ngayong linggo.

“Nananawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang kanilang planong tigil pasada ngayon linggo,” ayon kay Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang kalatas.

Tiniyak nito na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang pagaanin ang epekto ng tumataas na presyo ng langis na sanhi ng ‘tight supply’ sa global oil market.

Binanggit nito ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na i-roll out ang fuel subsidy ng Department of Transportation para sa beneficiaries.

“Nasa mahigit 180,000 public utility vehicle operators ang nabigyan na ng fuel subsidy, as of June 1, 2022, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board,” dagdag na pahayag nito.

Ayon sa transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide, karamihan sa PUJ drivers ay kumikita lamang ng P300 kada araw o sapat lang para ipakain sa kanilang pamilya.

227

Related posts

Leave a Comment