PAG-ARESTO SA 93 MAGSASAKA SA TARLAC KINONDENA

KINONDENA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-aresto sa 93 agrarian beneficiaries sa Concepcion, Tarlac, isang araw bago ang ika-34 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

“We vehemently condemn the unlawful and mass arrest of 93 agrarian reform beneficiaries and advocates of land rights and human rights in Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac yesterday (June 9),” ani ACT Teacher Party-list Rep. France Castro.

Ayon sa mambabatas, nakibahagi lang ng “bungkalan” ang mga magsasaka para ihanda ang lupa para sa pagtatanim sa 200 ektaryang lupain na in-award sa mga ito ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng CARP.

Gayunpaman, inaresto umano ang mga ito ng mga pulis Tarlac, sa hindi malamang kadahilanan.

“Anong krimen ang ginawa ng mga magsasaka at mga advocates na simpleng gumagawa lamang ng bungkalan para ihanda ang lupa sa produksyon? Itinuturing na ba ng estado na krimen ang magtanim? Ang maging magsasaka?” tanong ni Castro.

Iginiit ng mambabatas na hindi terorista ang mga magsasaka at karapatan ng mga ito na gamitin ang nasabing lupain dahil ibinigay na ito sa kanila ng gobyerno subalit hindi ito kinikilala ng security forces.

“Today (June 10) is the 34th anniversary of the bogus Comprehensive Agrarian Reform Program. The unlawful and mass arrest of the more than 90 agrarian reform beneficiaries and land rights and human rights advocates is proof of the failed and bogus agrarian reform program in our country,” dagdag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)

241

Related posts

Leave a Comment