LORENZANA HINIMATAY SA INDEPENDENCE DAY RITE

NAHILO at hinimatay si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa 124th Independence Day celebration sa Luneta Park nitong Linggo ng umaga, na agad na isinakay sa naka-standby na ambulansya.

Si incoming Manila Mayor Honey Lacuna na isang doktor, ang isa sa mga nagtakbo sa 71-anyos na si Lorenzana sa ambulansya na naka-park malapit sa lugar ng pagtitipon kung saan naroon din si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang cabinet officials na dumalo sa selebrasyon.

Agad din namang itinuloy ang pagdiriwang matapos na umalis ang ambulansya sakay ang kalihim. Habang isinusulat ang balitang ito ay nagpahayag si Sec. Lorenza na maayos na ang kanyang pakiramdam sa isang ospital subalit kailangan munang magpahinga at sumailalim sa battery of test.

Nabatid na sunod-sunod ang engagement ni outgoing DND secretary sa iba’t ibang kampo militar habang galing si Lacuna sa isang official function sa Singapore kung saan mula airport ay dumiretso sa Luneta kahit wala pang tulog .

Nabatid na bago pa magsimula ang seremonya ay nakaramdam na ng panghihina si Lorenzana na galing pa sa ibang bansa at bumagsak habang nasa likuran naman si Lacuna.

Maging si Lacuna ay muntik na ring bumagsak dahil tinangka nitong saluhin sa Lorenzana pero mabigat ang kalihim. (JESSE KABEL)

140

Related posts

Leave a Comment