LADY RIDER PATAY SA NATUMBANG POSTE

CAVITE – Patay ang isang 29-anyos na babaeng rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang nakabalagbag na natumbang kongretong poste ng telecom company sa Dasmariñas City nitong Linggo ng madaling araw.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Karen Ivy Marques ng Golden City, Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Apolonio De Narte ng Dasmariñas City Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na may plakang 233DDC at binabagtas ang kahabaan ng Molino-Paliparan Road sakop ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Ngunit pagsapit sa nasabing lugar ay hindi nito napansin ang isang nakahambalang na poste ng telecom company na natumba, dahilan ng aksidente at nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Inaalam ng pulisya kung may pananagutan sa insidente ang nasabing telecom company sa hindi pag-ayos o pagtanggal sa natumbang konkretong poste. (SIGFRED ADSUARA)

225

Related posts

Leave a Comment