PERSONAL na inimbitahan ni Senador Cynthia Villar ang publiko na suportahan ang Pinoy entrepreneur na makakatulong sa pagbabangon ng ekonomiya na bumagsak sanhi ng pandemya.
Sa pahayag, sinabi ni Villar, kilala bilang “Misis Hanepbuhay,” dapat suportahan ng publiko ang entrepreneur upang muling sumigla ang ekonomiya at makabangon ang ating bansa.
Sa pakikiisa sa 31st Anniversary ng Simbayanan ni Maria Multi-Purpose Cooperative (SMEC), inanyayahan din niya ang lahat na bisitahin ang kanilang bazaar-Coopreneurs Product Exp2022 sa Vista Mall Taguig.
Kinilala niya si Tatay Carlito, ang banana muffin vendor na nagviral sa social media at ang mga kooperatiba gaya ng SMEC dahil sa kanilang pagsisikap. (ESTONG REYES)
258
