BOC, FDA SANIB-PWERSA KONTRA PEKENG GAMOT

SANIB-PWERSA na ang Bureau of Customs (BOC) at Food and Drugs Administration (FDA) sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa pagpasok ng mga hindi rehistrado – kung hindi man pekeng gamot sa bansa.

Sa isang pulong na ginanap sa Cagayan de Oro City kamakailan, binigyang diin ni Port of Cagayan de Oro District Collector Atty. Elvira Cruz ang kahalagahang masupil ang pagpasok ng mga gamot sa labas ng talaan ng mga kumpanya at tatak ng gamot na may kalakip na permiso at clearance mula sa FDA.

Tinalakay rin sa nasabing pagpupulong ang mekanismong gagamitin ng BOC at FDA – sa pangunguna ni Director Arnold Alindada na tumatayong officer-in-charge ng FDROO at Archie Pielago mula sa FDRO IV South Luzon Cluster – sa pinag-isang programa kontra pagpasok ng mga gamot na walang FDA clearance.

Kabilang din sa mga dumalo sa nasabing talakayan sina regional supervisor Merla Araña, FDRO-II Desie Mag­hamil, Lorelie Joy Acha, Emily Joy Baugbog, Ma. Auralynn Macalisang, Rodel John Bueno, Jonel Malate at James Anthony Namoc mula sa hanay ng FDA.

Sa hanay naman ng Port of CDO, kabilang sa nagpa­unlak sa pulong sina Port of CDO District Collector Atty. Cruz, Deputy Collectors Elizabeth Delas Llagas (Operations), Atty. Roswald Joseph Pague (Administration), Port of CDO Liquidation and Billing Division chief Miguel Oscar Antonio Pizarro at MCT Assistant Chief Melchor Rabo.

Sa isang hiwalay na pahayag, inamin ng FDA na kabi-kabila ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan sa hangaring tuldukan ang pagbaha sa merkado ng mga dispalinghadong gamot na anila’y posibleng may dalang peligro – lalo na’t hindi dumaan sa tamang pagsusuri at umiiral na proseso. (BOY ANACTA)

425

Related posts

Leave a Comment