RIDER NAGULUNGAN NG HI-ACE VAN, PATAY

CAVITE – Patay ang 24-anyos na rider nang magulungan ng isang Toyota Hi-Ace van makaraang tumilapon ang katawan nito matapos na mabangga ang isang nagbibisekleta sa bayan ng Silang noong Lunes ng umaga.

Kapwa isinugod sa Estrella Hospital sina Jose Villanueva, isang factory worker at Jaime Austria, 49, ng  Brgy. San Jose, Tagaytay, subalit idineklarang dead on arrival ang una dahil sa pinsala sa katawan.

Arestado naman ang driver ng Toyota Hi-ace van na may plakang DAZ-8682 na si Abubacar Pangulamen Camar, 32, ng Bauan, Batangas.

Ayon sa ulat ni Corporal Ralph Santos ng Silang Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabaybay ang Aguinaldo Highway galing south dakong alas-6:55 ng umaga.

Pagsapit sa Brgy. Lalaan 2nd sa bayan ng Silang, nang tinangka ni Austria na tumawid sakay ng kanyang bisikleta galing east patungong south direction kaya nabangga siya ng motorsiklo ni Villanueva dahilan upang tumilapon ang katawan ng huli sa opposite lane.

Paparating naman ang minamanehong Hi-Ace van ni Camar kaya nagulungan nito si Villanueva. (SIGFRED ADSUARA)

215

Related posts

Leave a Comment