HNHS 25TH FOUNDING ANNIVERSARY

INSIGHT Ni DR BERNIE R. ANABO, JR.

JULY 10 nang ipagdiwang ng Hilabaan National High School ang 25th Founding Anniversary, kung saan ang inyong lingkod ay pinaunlakan para maging panauhing pandangal.

Bukod sa pagiging panauhing pandangal, isa rin po ang inyong lingkod sa tumanggap ng parangal bilang isa sa Most Outstanding Alumni at Stakeholder, dahil sa ating tagumpay at naitulong sa nasabing eskwelahan.

Napakasaya po natin, dahil kinilala ng ating eskwelahan ang ating tagumpay, naiambag sa HNHS na wala sa hinagap ko na tatanggap ako ng parangal, at magbibigay ng talumpati.

Sa aking talumpati, ako’y nagpapasalamat sa mga guro sa kanilang mga naitulong para makamit natin ang ating tagumpay at bilang utang na loob ako’y handang tumulong sa paaralan.

Sa mensahe ko naman sa mga guro na nawa’y ipagpatuloy nila ang magandang layunin na hubugin ang kakayahan at kapasidad ng mga mag-aaral tungo sa magandang buhay ng mga mag-aaral.

Sa panghuli na ipinahayag ko sa mga awardee at mga guro ang aking taos pusong pasasalamat, at bilang pagtanaw ng utang na loob, handa akong tumulong sa paaralan para sa ikakaunlad nito gayundin sa mga mag-aaral. Again, mabuhay and congrats sa ating lahat.

***

MAYOR WALA KANG PAKUNDANGAN

MERON isang Alkalde sa National Capital Region na tila mayroong hinanakit at nais patunayan sa taong bayan at maging sa kanyang kapatid. Ang tanong, kaya nga ba niya?

Marahil nasa isip niya rin na hindi ko kayo kailangan, at kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Haitz! Parang bata na ­nagmamaktol! Hahaha.

Biruin mo agaran niyang sinibak at denemote ang department heads kahit na mga career officer sa City Hall, na mga loyal naman na kaalyado ng kanyang ama at kapatid.

Isang nakalulungkot na pangyayari, biruin mo kakampi, ipinahiya? Huwag na natin pag-usapan ang mga nawalan ng hanapbuhay. Ang nakalulungkot dito, parang niloko at niyurakan ang kanilang dignidad. Tama po ba ako?

Paalala lang po, naging maayos ang patakbo ng dating administrasyon, dahil sa kanyang leadership at teamwork ng mga opisyales, maging ng mga kawani. At hindi lamang ng iilan. Uy ambot!

***

CONGRATS ATE FLOR

Masaya kami at nalungkot sa natanggap ni Principal IV Madam Florida Anabo Diolola na promosyon mula principal III to IV, dangan lamang na ililipat siya ng mas malaking paaralan.

Mula sa Hilabaan National High School, to Llorente National High School, malungkot dahil lilisanin niya ang kanyang naging tahanan ng ilang dekada, at maraming mga alaala siyang iiwan na nagsilbing legasiya.

Ate Flor, inspirasyon ka ng Pamilya Anabo at Diolola, kaya proud kami sa iyo kahit malungkot na mawawalay ka sa amin dahil sa bagong pagsubok, narito pa rin kami para suportahan ka. God bless you, always!

***

Parting Shot: Congrats sa lahat ng awardees ng 25th ­Founding Anniversary ng Hilabaan National Highschool, ipagpatuloy niyo lang ang magagandang accomplishments para maging inspirasyon ng bagong henerasyon.

233

Related posts

Leave a Comment