PAOLO CONTIS, CHEF NA ANG TAWAG KAY YEN SANTOS

PINANINDIGAN na talaga ni Yen Santos ang pagpapadala ng food kay Paolo Contis. Kaya sa bagong padala ni Yen “Chef” na ang tawag sa kanya ng actor.

Ipinost ni Paolo ang apat na larawan na ipinadalang food ni Yen na may caption na, “Everyday shoot…Everyday baon…thanks to my chef.”

May nag-comment na pang-tatlong tao ang ipinadalang food ng actress at sinagot ni Paolo ng, “Ubos ko `to lagi.”

Ang mga pagkain na pinadala ng actress ay adobo, kaldereta, prito at hotdog at beef steak.

So hanggang hindi natatapos ang pagso-shooting ni Paolo, tuluy-tuloy ang pagpapakain nito sa actor.

Samantalang napanonood pa rin si Paolo sa longest running gag show sa telebisyon na Bubble Gang every Friday, 9:40 pm sa GMA7.

Sabi nga ni Paolo sa press kahit anong busy hinding-hindi niya palalampasin na dumating sa taping para makasama ang Bubble Gang barkada na itinuring na rin niyang pamilya.

 

514

Related posts

Leave a Comment