BAGONG DOLE SECRETARY GINAGAMIT NG SCAMMERS

NABUKING ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umano’y ginagamit ng mga scammer ang pangalan ni bagong Secretary Bienvenido Laguesma sa kanilang panloloko.

Sa inilabas na advisory, sinabi ng DOLE na nagso-solicit at namumuwersa na manghingi ng pera ang mga suspek sa mga negosyante at mga kumpanya gamit ang pangalan ni Laguesma kapalit ng pabor o pagpapabilis sa kanilang mga aplikasyon sa ahensya.

“The labor department strongly condemns such nefarious acts that tend to put to bad light the DOLE and destroy the good name of the Labor Secretary,” ayon sa advisory.

Sa sumbong na natanggap ng DOLE, tumatawag ang mga suspek sa kanilang bibiktimahin gamit ang numerong +639282935724.  Hindi pa tiyak kung gumagamit pa ng ibang numero ang mga scammer.

Matatandaan na biktima rin si dating DOLE Sec. Silvestre Bello III ng mga scammer na gumawa pa ng Facebook page para makapanloko sa publiko. Dumulog noon si Bello sa National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang mga scammer. (RENE CRISOSTOMO)

145

Related posts

Leave a Comment