WANTED SA KIDNAPPING KALABOSO SA MARIKINA

ARESTADO sa kasong kidnapping, serious illegal detention at robbery ang wanted person na 46-anyos na call center agent sa Marikina City.

Kinilala P/Col. Gerson Bisayas ang nadakip na si Rafael Cristobal y Santiago, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong 1:10 ng hapon noong Hulyo 13 nang maaresto ang suspek sa kanyang bahay.

Nabatid mula sa magkasanib na puwersa nina P/Maj. Monico Aliado, chief ng SIDMS, at P/Maj. Federico Halog, Jr. ng 2nd MFC RMFB, dinakip nila ang suspek na top 5 most wanted person sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Romeo D. Tagra, RTC Branch 273 ng Marikina City.

Si Cristobal ay may kasong kidnapping, serious illegal detention at robbery with violence against or intimidation of person (RPC Art. 294). (ENOCK ECHAGUE)

166

Related posts

Leave a Comment