INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang 63-anyos na punong barangay sa bisa ng warrant of arrest dahil sa umano’y kasong falsification of public Documents sa Malate, Manila noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Jessie Agaton, may asawa, residente ng Alejo Aquino Street, Singalong, Malate, Manila.
Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, bandang alas-9:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa Espiritu Street malapit sa panulukan ng Augusto Francisco Street sa Malate
Si Agaton ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Liwliwa Hidalgo-Buco ng Regional Trial Court Branch 34 ng Manila, dahil sa kasong falsification of public documents. (RENE CRISOSTOMO)
