ISO CERTIFICATION SAPUL NG 13 PORTS AT SUBPORT

IBINIDA ng Bureau of Customs (BOC) ang 13 sa 17 district collection offices makaraang gawaran ng asam-asam na full ISO Certification na patunay ng pasok sa pamantayang pandaigdig ang umiiral na sistema at prosesong kalakip ng pakiki­pagkalakalan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa isang pulong-balitaan kamakailan, ipinagmalaki ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang ISO Certifications na nasungkit ng Ports of Manila, Legaspi, Clark, Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Davao, Batangas, Tacloban, Cebu, Subic, Limay at maging ng mga subports sa Mactan, Dumaguete at Iligan.

Pasok din sa mga ginawaran ng pambihirang ISO Certification ang mga Customer Care Centers (CCC) sa mga naturang distrito.

Karaniwang iginagawad ang ISO Certification sa mga pribado at pampublikong pasilidad na nakapasa sa mga metikulosong pagsusuri sa mga umiiral na sistema, proseso, kalidad ng serbisyo, teknolohiya at reporma.
(BOY ANACTA)

382

Related posts

Leave a Comment