3 CHINESE, 2 PINOY TIMBOG SA KIDNAPPING

SINAGIP ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 5 ang tatlong Chinese national habang tatlong kababayan ng mga ito at dalawang Filipino ang nadakip sa operasyon sa panulukan ng Mabini at Pedro Gil streets, Malate, Manila noong Huwebes ng gabi.

Kasalukuyang nasa  kustodiya ng MPD-PS 5, ang mga suspek na sina Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin Yuan, 30, at Chai Xin Yuan, pawang Chinese national, at sina Kenneth Querubin, 39; Wang  Jie, 28, at Noel Fame.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col John Guiagui, commander ng MPD-Ermita Police Station 5, ikinasa ang operasyon bandang alas-10:00  ng gabi sa nabanggit na lugar.

Nauna rito, nag-report kay Guiagui ang isang Jeff Wang, Chinese national, kaugnay sa pagkidnap ng mga suspek sa kanyang mga kasama na sina Yang Han,  Xu Wen Yang at CuiShao Kun, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Malate, Maynila.

Nabatid na isinakay ang mga biktima sa isang Toyota Hi Ace Commuter Deluxe na may plakang  no. NDM 8999 at saka tumawag kay Wang at humingi ng P3 milyong ransom kapalit ng paglaya ng mga ito.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay nakipag-ugnayan si Wang sa MPD-PS 5 kaya nagsagawa ng entrapment operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at nasagip ang mga biktima.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong kidnapping for ransom (Art. 267, RPC) at Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act (RA 10591). (RENE CRISOSTOMO)

249

Related posts

Leave a Comment