PLANO ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na gumawa ng tulay na mag-uugnay sa North at Southern part ng Kalakhang Maynila.
Bunsod ito ng patuloy na nararanasang matinding trapiko sa National Capital Region.
Sa Post SONA Economic briefing, tinuran ni Bonoan na balak nilang itayo ang mga tulay sa Marikina at Pasig river at mula duon ay mapabilis ang mobility ng mga taga Kalakhang Maynila mula North hanggang South.
Aniya, kaunti lamang ang connectors dito sa NCR kayat kailangang maipagpatuloy ang construction development.
Tinatayang lima hanggang anim na tulay ang target ni Bonoan na maipatayo patawid halimbawa ng Pasig River.
Sinabi pa nito na patuloy ring magpapagawa ang gobyerno ng mga expressway papasok sa iba pang bahagi ng NCR region.
Isa na aniya rito ang entry sa Eastern part na kung saan, ang tumbok ay mga lugar ng Pasig at Cainta mula Bulacan. (CHRISTIAN DALE)
150