EXTENDED PRODUCER’S RESPONSIBILITY ACT GANAP NANG BATAS

TULUYAN nang napaglipasan sa takdang panahon kaya awtomatikong naisabatas ang Extended Producer’s Responsibility Act upang maiwasan ang food waste sa pamilihan, ayon kay Sen. Cynthia Villar.

Dahil dito, nanawagan si Villar sa lahat ng sektor na tumulong sa istriktong pagpapatupad ng batas na ito.

Isinulong ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment noong nakaraang 18th Congress, ang pagsasabatas ng EPR Act kasama ang kanyang counterpart sa House na si Rep. Glona Labadlabad.

“EPR is an approach at waste reduction that seeks to lodge environmental responsibility to the producer throughout the lifecycle of a product,” sabi ni Villar.

Aniya, dapat makita ng publiko at ng mga lumalaban para sa mas mahusay na waste management na isa itong oportunidad sa kanilang adhikain.

“It is a good start”, ayon pa sa senador.

Itinatakda sa batas ang konsepto ng EPR at circular economy at inaatasan ang DENR na maglatag ng national framework sa EPR para sa lahat ng klase ng basura.

Target ng batas ang recovery ng plastic wastes. Inuutusan din ang malalaking industriya na magtayo ng EPR program sa loob ng anim na buwan simula nang maging epektibo ang batas.

“We have to limit the EPR to plastic packaging and to large enterprises for now, which could be viewed as compromises, to be sure,” giit ni Villar.

Nakapaloob din dito ang EPR framework at assessment ng dami ng ibang basura.

Kumpiyansa si Villar na magkakaroon ng malaking pagbabago kung magtutulungan ang malalaking enterprises, medium at small scale producers at mga kabahayan para mabawasan ang basura sa ating kapaligiran.

Nagbabala ang senador na hindi kakayanin ng ating landfill ang tambak na basura kundi tayo gagawa ng paraan na mabawasan ang mga ito.

“Waste recovery in an archipelago is no small matter and will not be cheap. It is time to place the responsibility of retrieving these wastes in the hands of the producers while still calling on the citizenry to do the appropriate thing and reduce, reuse, segregate, recycle and compost,” dagdag pa niya. (ESTONG REYES)

165

Related posts

Leave a Comment