NAPUNA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tila masyadong maraming kailangan sagutan sa form na ginagamit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagke-claim ng 10 thousand peso financial assistance ng mga pamilyang nabiktima ng lindol.
Magugunita na noong nagpunta si Pangulong Marcos sa Abra ay personal nitong tiningnan ang galaw ng ginagawang pamamahagi ng tulong at nakita rin umano nito ang claim form sa pagbibigay ng ayuda.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, hindi rin niya nagustuhan ang masyadong maraming impormasyon na dapat ilagay sa form na aniya’y ubos oras at nagpapatagal sa pagkuha ng ayuda ng mga apektadong pamilya.
Ayon sa Kalihim, tiningnan ng Chief Executive ang dokumento at nahabaan aniya ito at hindi rin naiwasang mapailing.
Sa kabilang dako, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagbigay na siya ng instruction sa central office na bawasan ang kailangang impormasyon sa mga claimant at kung tutuusin ay uubra na aniya na pangalan at address lang ang ilagay at mula duon ay madali na sa COA para ito ay ma-double check. (CHRISTIAN DALE)
188