PBBM: Gobyerno patuloy na nakatutok TF MONKEYPOX ‘DI NA KAILANGAN

HINDI na kailangan bumuo pa ng isang task force na tututok lamang sa monkeypox.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na hangga’t may guidelines na nakalatag o ilalatag ang Department of Health (DOH) ukol sa nasabing sakit ay hindi na kailangan pang bumuo pa ng task force.

Aniya, ‘layer’ lang ang mangyayari kung ito ay gagawin pa at sapat na ang naging karanasan ng bansa sa COVID-19 para harapin ang sakit na monkeypox.

Giit pa ni Solante na proper coordination lang ang kailangan sa pangunguna ng DoH at ng attached agencies nito gayundin ng mga departamento na may kinalaman sa pagkontrol sa naturang sakit.

Tinukoy ni Solante ang Bureau of Quarantine at ang magiging papel ng Local Government Units (LGUs).

Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nananatili ang kanilang pagtutok sa nasabing sakit kahit wala na uling kaso nito sa bansa.

Nabatid na nakauwi na ang 31-anyos na balikbayan na nagpositibo sa monkeypox nang dumating ito sa bansa noong Hulyo 19, 2022.

Natapos na ang quarantine period ng balikbayan kaya pinayagan na itong makauwi.

Ayon kay Pang. Marcos Jr., walang dapat ikabahala lalo pa’t ginagawa ng DOH ang kanilang trabaho upang maagapan ang monkeypox.

Hindi rin aniya ito katulad ng COVID-19 na mabilis nakahahawa.

“So, we don’t have anymore cases of monkeypox. Even then I want to be very clear to everyone this is not covid. hindi kagaya ng covid ito. Hindi nakakatakot kagaya ng covid yung monkeypox parang small pox. marami namang gamot kaya pwede naman nating gamutin,” dagdag na pahayag nito.

Subalit, kahit hindi aniya nakakatakot ang monkeypox ay kailangan pa rin na panatilihin malinis ang mga kamay.

Samantala, suportado naman ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na hindi lang ang mga bata ang dapat magpa-booster shot kundi lahat ng mamamayang Pilipino upang matiyak na ligtas sa COVID-19 o omicron at variants nito. (CHRISTIAN DALE)

203

Related posts

Leave a Comment