NANGAKO si San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida Robes na gawin ang 19th Congress na isang napaka-produktibong Kongreso para sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Si Rep. Robes ay nagsimulang kumilos at maghain ng mga panukalang batas para sa pambansa at lokal na kaunlaran. Nasa larawan sina Rep. Robes at SJDM Mayor Arthur Robes nang dumalo sa 1st SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Hulyo.
Bago ito, nagdaos ng thanksgiving luncheon na pinangunahan ni Robes para kay Pangulong Marcos.
Dumalo rin sa nasabing okasyon ang 22 alkalde ng Bulacan na pawang nagpakita ng suporta kay Marcos noong nagdaang May elections, maging ang mga papasok na kasapi ng 19th Congress sa House of Representatives.
218 