PBBM MAY NAPIPISIL NANG PLLO CHIEF

MAY napipisil na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mamumuno sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).

Ito’y matapos manawagan si Senador Chiz Escudero kay Pangulong Marcos na magtalaga ng “high caliber Cabinet member” bilang pinuno ng PLLO na magsisilbing epektibong “point person” sa pagitan ng Malacañang at Kongreso para sa pagsulong ng legislative agenda ng chief executive.

Ginawa ng senador ang pahayag para maiwasan ang tinawag niyang “bill vetoing-spree” ng Malacañang. Matatandaang vineto ng Pangulo ang limang panukala na inaprubahan ng Kongreso kabilang ang tax exemption sa honoraria ng mga guro na nakatalaga sa eleksyon.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na naghihintay lamang ng tamang panahon si Pangulong Marcos para pangalanan ang bagong PLLO head.

“Mayroon naman pong kinukonsidera para dun. Hindi lang po natin nailalabas pa. So hintayin po natin. Hindi naman po napagkakaila ‘yun,” ayon kay Cruz-Angeles.

Sa ulat, sinabi ni Escudero, ang pinuno ng PLLO, ay napakahalaga ng papel sa pananatili ng maayos na relasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibo, at magbibigay daan sa pagtitipon ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), isang body na nabuo sa ilalim ng Republic Act 7640 noong Ramos administration.

Dagdag pa niya, sa pagtatalaga ng mahusay ng PLLO chief ay makatitiyak na hindi masasayang ang mga panukala na naaprubahan ng Kongreso na nabe-veto lang dahil sa pinagtatalunang mga probisyon na hindi naayos dahil sa hindi epektibong PLLO.

Sabi ni Escudero, ang future PLLO chief, na dapat may ranggong secretary at magiging bahagi ng gabinete, ay dapat marunong trumabaho sa Kongreso para matiyak na ang mga panukalang batas na magiging “veto-proof”. (CHRISTIAN DALE)

275

Related posts

Leave a Comment