VETERAN NEWSMAN BAGONG DSWD USEC FOR OPERATIONS

ITINALAGA bilang undersecretary for operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang beteranong mamamahayag na si Jerico Francis L. Javier.

Ang 46-anyos na si Javier, nasa industriya ng pamamahayag sa loob ng 25-taon, ay pormal na nanumpa sa tungkulin nitong nakalipas na Martes, Agosto 2.

Bilang beteranong mamamahayag, nag-cover ito sa Philippine National Police (PNP) at Department of National Defense (DND) para sa pahayagang People’s Journal at People’s Tonight.

Tumatak naman sa taumbayan ang isiniwalat nitong balita bilang segment producer ng TV5 sa umano’y talamak na transaksyon ng bawal na gamot sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Naging executive producer ng Erwin Tulfo Center for Media and Public Service simula noong April 2017, tumutok ang trabaho nito para tulungan ang mga kababayang overseas Filipino workers sa mga bansa, tulad ng Malaysia, Thailand, Taiwan, Macau, China, Singapore, at New Zealand.

Nanguna rin ito sa pag-produce ng investigative reports, bilang senior segment producer sa TV5 Aksyon Prime News mula November 2010 hanggang March 2017.

Naging columnist din siya ng People’s Tonight simula noong January 2011.

Ang 39-year-old na opisyal ay nag-umpisa sa mundo ng pamamahayag sa Liberty Newspaper mula May 1997 hanggang December 1997.

Nagsulat din siya sa People’s Balita mula December 1997 hanggang May 1998 at sa Philippine Tribune, May 1998 hanggang February 1999.

Taong 2001 ay naging reporter at columnist din ito ng Kabayan Newspaper hanggang sa lumipat sa Journal Group of Publications mula April 2001 hanggang November 2010.

Karamihan sa mga naikober ni Javier ay ang mga high profile na pangyayari sa Pilipinas, tulad ng armed conflict sa Islamic forces, Marawi siege, Super Typhoon Yolanda, maging ang kontrobersiyal na Luneta hostage crisis.

Isa ring motivational educator ng Journalism si Javier at bago pumasok sa gobyerno ay nagturo sa Polytechnic University of the Philippines College of Communication simula January 2011.
Nagtapos ang bagong DSWD official ng kanyang Journalism degree sa PUP, taong 1997.

Sa kasalukuyan ay tinatapos nito ang Master’s degree in Communication sa PUP Open University.

Naging recipient ng one-month study grant for journalists in Kuala Lumpur, Malaysia from the International Journalism Fellowship (Malaysian Press Institute) mula October 5 to 30, 2009.

“Ang bilin po ng Pangulong BBM ay simple lang – walang maiiwan sa pagbangon natin mula sa pandemya,” ani Javier sa kanyang pananalita matapos manumpa sa tungkulin.

“Kaya tayo po ay kailangang magkaisa at sumuporta sa adhikain ni Secretary Erwin (Tulfo) para sa mahihirap natin kababayan. As the President said, we need to stand together and unite to bring our nation to a better future. Kay Secretary Tulfo, pag-utusan n’yo po ako,” aniya.

219

Related posts

Leave a Comment