DEATH TOLL SA LINDOL, 11 NA

UMAKYAT na sa 11 ang bilang ng mga namatay sa lindol na tumama sa Northern Luzon.

Batay sa pinakahuling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 11 na ang naitalang namatay sa lindol.

Kabilang sa mga ito ang sampu sa Cordillera habang isa naman sa Region 1, ayon sa latest situation report mula sa NDRRMC.

Ang pang-11 namatay ay isang 59-anyos na lalaki mula sa Tubo, Abra na nagkaroon brain injury dahil sa gumuhong bubong na gawa sa kawayan na may nakaibabaw na sako ng lupa.

Nauna nang iniulat ng NDRRMC na 10 ang namatay sa Cordillera Administrative Region habang ang isa naman ay mula sa Ilocos Region.

Samantala, nananatili naman sa 410 ang bilang ng kumpirmadong mga nasaktan sa lindol.

Habang umakyat na sa 119,730 na pamilya o katumbas ng 448, 990 indibidwal, ang apektado ng lindol.

Iniulat naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nasa kabuuang 2,650 aftershocks na ang naitala base sa datos nitong Agosto 5. (JESSE KABEL)

202

Related posts

Leave a Comment