SA kabila ng makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ulan ay natuloy ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malakanyang, ngayong Sabado, Agosto 6, 2022.
Makikita sa mga lumabas na larawan ang paglagda ni Blinken sa Malacañang guest book bago pa personal na makipagkita sa Chief Executive.
“The visit signifies the United States’ commitment as an ally to the Philippines, ayon sa kalatas ng US Embassy.
Nauna rito, sa pagdating sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken ay agad siyang sinalubong ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at mga opisyal ng Department of Foreign Affairs.
Sinabi ng US State Department, kabilang sa pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Blinken ang pagpapalakas ng kooperasyon sa energy, trade, investment, democratic values at pandemic recoveries.
Nakipagpulong din si Blinken kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na sinundan ng press conference ng 1:00 ng hapon.
Sinasabing ito ang unang pagkakataon na bumisita sa Pilipinas si Blinken. (CHRISTIAN DALE)
218 