OBRERO NATSUGI SA USAPANG LASING

CAVITE – Nauwi sa kamatayan ng isang 45-anyos na construction worker ang usapang lasing ng dalawang lalaki habang nag-iinuman sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Rico Auxilio y Yuson, dahil sa tama ng saksak sa katawan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Zenjie Bajar y Lacre, isa ring construction worker, na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat ni P/MSgt. Christopher Dumlao ng Gen. Trias City Police, dakong alas-12:30 ng hapon, nag-inuman ang dalawang construction worker sa construction site sa Brgy. San Francisco sa nabanggit na lungsod.

Ngunit nang malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa undayan ng saksak ng suspek ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas. (SIGFRED ADSUARA)

131

Related posts

Leave a Comment