P1-M SHABU NASAMSAM SA 4 HVIs SA RIZAL

APAT katao ang naaresto makaraang makumpiskahan ng mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team sa Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal noong Abril 29, 2026.

Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), ang mga suspek na sina alyas “Evelyn”, 51; “Michael”, 50; “Eryll”, 26, at “Even”, 22, pawang itinuturing na high value individuals (HVIs).

Sa pakikipagtulungan ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagresulta ang nasabing operasyon sa pagkaaresto sa mga suspek na nakumpiskahan ng 150.58 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,023,944.

Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng San Mateo MPS at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NEP CASTILLO)

114

Related posts

Leave a Comment