PETISYON SA SC VS BARMM ELECTION RULES INIHAIN NG MGA PETITIONER

NAGSAMPA ng petisyon sa Supreme Court ang ilang petitioner upang kuwestiyunin ang mga patakaran at redistricting para sa nalalapit na kauna-unahang regular parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa kanilang manifestation, tinutulan nina Sultan Alim Saad I. Amate at Maulana L. Mamutuk ang Bangsamoro Autonomy Act Nos. 86 at 88, na may nakabinbin nang petisyon sa Korte Suprema.

Ayon sa kanila, posibleng may kaparehong depekto ang bagong redistricting law na dati nang kinuwestiyon, at huli na rin umano itong naipasa.

Babala ng mga petitioner, maaaring maapektuhan ang representasyon sa mga lugar gaya ng Marawi City at Lanao del Sur, na posibleng magresulta sa mas mahinang boses ng mga botante.

Pinuna rin nila ang bagong accreditation requirement para sa mga political party, kung saan kailangan umanong magparehistro muli kahit malapit na ang halalan—isang hakbang na maaari umanong magamit upang madiskwalipika ang iba.

Nanawagan ang mga petitioner sa Commission on Elections na resolbahin agad ang accreditation issues bago ang filing ng kandidatura mula Mayo 5 hanggang 7.

Hiniling din nila ang mas pinaigting na voter education kasabay ng pangamba na muling ma-postpone ang halalan na nakatakda sa Setyembre 14, 2026.

Ayon sa kanila, kung hindi ito maaayos, mananatiling may “cloud of constitutional doubt” ang BARMM elections.

(JULIET PACOT)

108

Related posts

Leave a Comment