BABAE PINAANAK ANG SARILI NAMATAY, SANGGOL NAILIGTAS

HINIHINALANG sobrang hirap, sakit at pagkaubos ng dugo ang ikinamatay ng isang babae matapos na manganak nang mag-isa sa kanyang inuupahang silid sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City, ayon sa mga awtoridad.

Nadiskubre ng mga residente ng boarding house ang babae sa loob ng banyo na duguan at wala nang buhay.

Natagpuan din ng nagrespondeng mga awtoridad ang kanyang bagong silang na sanggol sa loob ng silid, buhay na nakababad sa dugo

Nailigtas ang sanggol at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad makaraang madala sa isang klinika.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), walang nakikitang palatandaan na may nangyaring foul play sa pagkamatay ng babae.

Ayon kay Capt. Emilita Simon, tagapagsalita ng COCPO, hinihinalang nag-labor na mag-isa ang babae at siya rin ang nagputol ng sarili niyang umbilical cord, na posibleng naging sanhi ng matinding pagdurugo.

“Ayon sa pulisya, may live-in partner ang babae ngunit naghiwalay umano sila matapos malaman ng lalaki na hindi siya ang ama ng sanggol.

Kasalukuyang tinutunton ng mga awtoridad ang mga kamag-anak ng babae, para mabigyan ng maayos na libing ang biktima.

(JESSE RUIZ)

94

Related posts

Leave a Comment