247 NEW COVID CASES, NADAGDAG CALABARZON

covid

UMABOT sa 247 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag ngayong araw kaya umabot na sa 516,687 ang kabuuang kaso ng nasabing sakit sa buong CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Sa nasabing bilang, 3963 ang active cases habang 499,093 naman ang gumaling na at 13,631 ang mga namatay.

Nangunguna pa rin ang lalawigan ng Cavite sa may pinakamaraming kaso na umabot sa 177,869; sumunod ang Laguna (130,368); Batangas (84,990); Rizal (90,470); Quezon (26,480) at Lucena (6,510) o kabuuang 516,687 sa kanilang pinakahuling ulat.

Pinapaalala sa Calabarzon ang BIDA PLUS bilang paraan ng pag-ingat na mahawaan ng COVID-19.

Ito ay ang Bawal ang walang face mask; I-sanitize ang mga kamay, iwasan ang kulob na lugar; Dumistansya ng 1 metro at limitahan ang interaksyon sa iba; Alamin ang tamang impormasyon at Plus, suportahan ang FDA approved na bakuna.

Idagdag pa rito na huwag kalimutan ang patuloy na pagsunod sa Minimum Public Health Standards. (SIGFRED ADSUARA)

445

Related posts

Leave a Comment