2 BINATA TIMBOG SA P1-M SHABU SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang dalawang binata matapos na masamsam sa mga ito ang mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Calamba City noong Martes ng madaling araw.

Kinilala ng Calamba City Police ang dalawang naaresto na sina Misuari Darang Jr., 24, at Makikarim Sabuyogan, 18, parehong residente ng Barangay Looc.

Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng Calamba City Police sa operasyon dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kanilang barangay.

Nakuha sa dalawa ang kabuuang 165 gramo ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,122,000.

Ayon pa sa pulisya, si Darang Jr. ay nakalista sa drugs watchlist bilang isang high value individual habang si Sabuyogan ay isang street level individual.

Nakakulong ang dalawa sa Calamba City Police Station locked-up cell at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 20020. (NILOU DEL CARMEN/CYRILL QUILO)

220

Related posts

Leave a Comment