MANILA CITY HALL EMPLOYEE INARESTO SA GRAFT

NALAGAY sa matinding kahihiyan ang isang 50-anyos na empleyado ng Budget Office ng Manila City Hall makaraang silbihan ng arrest warrant sa kasong graft and corruption sa harap ng kanyang bahay sa San Andres, Malate, Manila noong Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Gloria Quirobines, analyst, biyuda, ng Barangay 704, San Andres, Malate.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol,  commander ng Manila Police District-Station 9, bandang alas-8:55 ng gabi nang ikasa ang pag-aresto kay Quirobines sa mismong harapan ng bahay nito.

Pinangunahan nina P/Cpt. Henry Navarro, hepe ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB) at P/Major Salvador Iñigo Jr. ng Station Investigation Branch (SIB), ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Christian Emmanuel Gonzales Pimentel, ng Regional Trial Court Branch 30 ng Manila City dahil sa kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon sa korte, maaaring maglagak ng halagang P90,000 bilang pyansa ang suspek para sa kanyang pansamantalang paglaya. (RENE CRISOSTOMO)

271

Related posts

Leave a Comment