INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng mga plano upang gawing abot-kaya ang fertilizers para sa mga magsasaka para mapabuti ang productivity ng mga ito.
Nakipagpulong ang Pangulo sa mga magsasaka sa Malacañan Palace base na rin sa mga larawan na naka-upload sa Office of the President’s (OP) official Facebook page.
Nais ni Pangulong Marcos na tiyakin ng DTI na ang murang pataba o abono ay maging available sa mga magsasaka.
“President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. met with DTI to iron out plans to increase the productivity of farmers by ensuring that fertilizers can be made affordable for them,” ayon sa OP.
Sa kabilang dako, sa official Facebook account naman ni Pangulong Marcos, kinumpirma nito na nakipagpulong siya kay Trade Secretary Alfredo Pascual upang tulungan na mapagaan ang kalagayan ng mga magsasaka at i-reboot ang agriculture industry ng bansa. (CHRISTIAN DALE)
221 